Martes, Pebrero 5, 2013

HARI NG MGA HARI

HARI NG MGA HARI

(isa po itong tula ng pananampalataya at panalangin, na aking isinulat noong ako'y nag-aaral pa lamang...makabuluhan po noon...nananatiling makabuluhan ngayon...at kung isasapuso....makabuluhan magpakailanman....)

SA MUNDONG ITO
IKAW LAMANG KAPANGYARIHAN....

LAHAT NG NARIRITO
IKAW ANG TANGING DAHILAN....

WALANG NAGAGANAP
KUNG HINDI MO KAGUSTUHAN....

IKAW ANG ILAW
IKAW RIN ANG KATOTOHANAN....

IKAW ANG DAAN
TUNGO SA KALAYAAN...
AT SA MAKABULUHANG
TUNAY NA KALIGAYAHAN.

HARI NG MGA HARI
SA LUPA AT KALANGITAN.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento