(Isa na namang tula mula sa aking kabataan)
Nasa iyo na lahat ng hinahanap ng kahit sino...
Kaya't pinagkakaguluhan ang isang katulad mo.
Nagpapataranta't nagpapasakit ng napakaraming ulo...
Nagpapabilis at nagpapatibok ng 'di mabilang na puso.
Kung minsan tuloy, pati ika'y naiinis na't nagugulo...
Sa dami ng manliligaw na 'di naman laan sa'yo.
Isa na lang ang kailangan upang ika'y maging kumpleto...
Isang katulad ko na magmamahal ng todo-todo.
Hindi ka guguluhin at hindi magpapaloko...
Gagawin lamang ang tama, upang ako'y respetuhin mo.
Hindi ako kagalingan at hindi rin naman guapo...
Ngunit iibigin ka't mamahalin, ng higit pa sa buhay ko.
Aanhin mo ang matatangkad at 'yung sobrang guapo...
Kung ang dulot naman sayo'y luha at panloloko.
Huwag ka na rin sanang tumingin pa sa kung kani-kanino...
Dito ka na lang sa nagsusumamong katulad ko...
Dahil ang alay kong pag-ibig ay wagas at totoo...
Paliligayahin kita hanggang sa huling sandali ng buhay ko.
"Di ka na wawalay pa kapag akong nakapiling mo.
Pagsama-samahin man lahat ng manliligaw mo...
"Di pa rin mapapantayan pagmamahal na alay ko.
Matagal na kitang mahal, iyan ay alam mo...
Dadalhin kita sa langit, ano mang oras na sabihin mo.
Ako na lang wala sa'yo upang ika'y maging kumpleto.
O, hindi ba panahon na upang ika'y maging kumpleto?
JONATHAN LIM DE GUZMAN, MD

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento