Sabado, Setyembre 14, 2013

SANA....



Sana puede kong ipangako sa inyong lahat, na bukas.....
Mas maganda ang magiging kapalaran niyo.
Sana puede kong sabihin sa mga mahal ko sa buhay, na bukas.....
Magkakaroon ng kasagutan ang mga panalangin nila.
Sana puede kong paniwalain ang sarili ko na bukas....
Mas magiging karapatdapat akong asawa at ama.
Nakalulungkot, na di ko kayang ipangako lahat ng ito....
Pero ito ang alam ko...
Ang bawat pagsikat ng araw ay may dalang bagong pag-asa....
At dito sigurado ako...
Ang pagmamahal ng Panginoon ay walang kapantay at walang hangganan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento