Bakit may mga gabing napakahirap makatulog?
Isang tanong na parang walang kasagutan...
Lahat ng position sa higaan
Pinipilit at sinusubukan....
Tumitihiya, dumadapa, tumatagilid,
Humahanap ng ano mang daan...
Nagbibilang, nagbabasa, nagdadasal,
Ginagawa na lahat ng paraan...
Tinatanggal, inaalis, binubura,
Laman ng aking isipan...
Pero mahirap tanggalin pag nasa puso,
Parang di magawang malimutan....
Bakit may mga gabing hindi ako makatulog?
Di ko maunawaan, walang kasagutan....
Kung hindi.....Ewan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento