NANINIWALA AKO....
Naniniwala ako sa araw
Kahit hindi na ito sumikat....
Naniniwala ako sa ulan
Kahit hindi na ito pumatak....
Naniniwala ako sa bituin
Kahit hindi na ito kumutitap...
Naniniwala ako sa tao
Kahit maraming nagpapanggap...
Naniniwala ako sa katotohanan
Kahit hindi na ito maimulat...
Naniniwala ako sa kaibigan
Kahit maraming hindi tapat...
Naniniwala ako sa pag-ibig
Kahit manatiling isang pangarap....
Naniniwala ako sa'yo
Kahit hindi na kita makausap....
Higit sa lahat...
Naniniwala ako sa Diyos
Kahit wala Siya sa aking harap.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento