Sabado, Hunyo 30, 2012

LANGIT PA RIN

LANGIT PA RIN
(Isang tulang aking nilikha, may ilang taon na ring nakakaraan...para sa aking nagiisang maybahay)


Hindi man maging mayaman
basta't sa kahirapan
ikaw ang laging kapiling
langit pa rin.

Hindi man makasakay sa BMW
basta't sa kakarag-karag na sasakyan
ikaw ang katabi
langit pa rin.

Subalit ako'y kinakabahan
papaano kung ika'y hindi naliligayahan.....
nais kong lahat ng hiling
ay iyong makamtan.
Lahat ng panahon
ika'y aking mapagbigyan.

Subalit may kasabihan...
na ang wagas na pagmamahalan
ay higit pa at mas matimbang
sa ginto, salapi at karangyaan.
At ito ang alay ko sayo
ngayon at magpakailanman.

Ano man ang mangyari
ikaw ang laging iibigin.
Ano man ang maganap
ikaw lamang mamahalin.
Malagutan man ng hininga
basta't ikaw ang huling makita,
maglalahong buhay
ay magiging langit pa rin.

Mula ng ika'y makilala
bawat segundo ng buhay ko
para akong nasa langit.
Tangi kong hiling,....
ikaw sana, sa piling ko....
ay parang nasa langit rin.

Jonathan de Guzman

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento